Senglot na binata nahulog sa bangin sa La Union

UTAS ang isang lasing na binata matapos mahulog sa bangin na may lalim na 15 feet sa Barangay Lower Tumapoc, Burgos, La Union sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Ronnie “Boy” Galvez, 18, ng Barangay Upper Tumapoc.

Sa imbestigasyon, nabatid na bago ang insidente ay nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga kabarkada.

Nang malasing ay nagpaalam na itong umuwi pero hindi na ito nakarating sa kanyang bahay nang mahulog sa bangin na agad niyang ikinamatay.

Gayunpaman, iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung may foul play sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply