Senglot na lolo napikon sa biro, apo sinaksak

LIGTAS na sa kamatayan ang 19-anyos na binata matapos saksakin ng sariling lolo nang makagpikunan habang nag-iinuman sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Art John Uplo, ng Bakhaw, Mandurriao, habang ang suspek naman ay si Salvador Uplo, 60.

Nag-iinuman ang maglolo nang biruin ng kanyang apo matapos may pagtalunang isyu na ikinapikon ng suspek dahilan para tarakan sa dibdib ang biktima.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek matapos ang insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply