Sereno tumanggi nang tumestigo vs Corona

KUMPIRMADONG hindi na haharap sa impeachment court si Supreme Court Associate Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang ipinahayag ni Sereno sa pamamagitan ng kanyang ipinadalang sulat kay House prosecutor Rep. Neri Colmenares, kahapon, Pebrero 29.

Ani Sereno, hindi na niya kailangang humarap sa impeachment para tumestigo laban kay Chief Justice Renato Corona matapos magdesisyon ang prosekusyon na tapusin na ang presentasyon ng kanilang mga testimonya at ebidensya.

Matatandaan na unang nagpadala ng liham si Colmenares kay Sereno noong Pebrero 27 upang hilingin ang pagtestigo ng mahistrado para patotohanan ang

mga inilahad niya sa kanyang dissenting opinion kaugnay ng pagpapalabas ng

temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na nagpapahintulot kay

dating Pangulong Gloria Arroyo na makalabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply