Session extension sa impeachment kinatigan

BUKAS ang liderato ng Kamara sa isang linggo pang extension ng sesyon na nakatakda nang mag-adjourn sa Marso 21.

Pero umaasa pa rin si House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na matatapos ang impeachment proceedings sa kaso ni Chief Justice Renato Corona bago mag-adjourn ang Kongreso sa susunod na linggo.

Ayon kay Belmonte, nakahanda aniyang isakripisyo na lamang ng mga kongresista ang kanilang mahabang bakasyon para matapos lang ang impeachment trial ni Corona.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na depende pa rin ito sa Senate impeachment court kung ihihinto muna ang trial at mag-resume na lamang sa Mayo, o pagbabalik sesyon ng Kongreso.

Nauna nang humirit ang depensa ng dalawa hanggang tatlong linggo para maiprisinta ang kanilang mga ebidensya at testigo na aabot daw sa 15 hanggang 20 personalidad.

Itinuring namang katawa-tawa ni Belmonte ang alegasyon ni Corona kay Pangulong Aquino na ginagawa nitong “one man rule” ang bansa matapos magsagawa ng talumpati ang punong mahistrado sa Philippine Women Judges Convention kung saan sinabi nitong ang gawain ni Pnoy ay gawain ng “transient leaders” na nagpapawalang saysay sa judicial independence na likha ng hukom.

Ayon kay Belmonte, walang katotohanan ang “one man rule” at pagsuway sa judicial independence na pasaring nito sa pangulo dahil nasusunod naman ang impeachment proceedings na asakop ng system of government.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply