P2.3M unliquidated cash advances ng SET – COA

INATASAN ng Commission on Audit (COA) ang Senate Electoral Tribunal (SET) na kaagad tuusin ang cash advance nito na nagkakahalagang P2,313,325.38 na ginamit sa domestic travels sa pangongolekta ng ballot boxes at gastusin sa Christmas party noong 2010.

“Cash advances of accountable officer mostly on travels in the total amount of P2.313.325.38 remained unliquidated as of December 31, 2010, contrary of Section 5.8 of COA Circular No. 97-002 dated February 10-, 1997 and Section 14 of Executive Order No. 298 dated March 23, 2004 thereby overstating the receivables account and understating the corresponding expense accounts,” ayon sa report ng COA.

Ayon sa COA, mula sa P2,313,325.35 na unsettled cash advances, umabot sa P2.296,097.73 ang ginamit sa gastusin sa pagbibiyahe.

Inirekomenda ng COA sa management ng SET na i—settle kaagad ng accountable officers ang unliquidated cash advance alinsunod sa itinakda ng  COA Circular No. 97-002 at EO No. 298.

Sinabi pa sa ulat ng COA na patuloy na gumagamit ang SET management ng tradisyunal na cash payroll scheme sa pagbabayad ng sahod, allowances at iba pang benipisyo sa opisyal at empleyado sa halip na automated payroll-thru-bank system kaya nasasayang ang manpower resources at nailalantad ang pasahod sa panganib ng pagnanakaw.

Iniulat din ng COA na hindi pa binubuo ng SET ang Internal Audit Service/Unit (IAS) taliwas sa itinakda ng Administrative Order No. 278 na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na mag-organisa ng IAS upang mapalakas ang internal control system ng mga ahensiya ng pamahalaan na pinatibay pa ng Section 1 ng Administrative Order No. 70 na may petsang Abril 14, 2003.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply