Sexy TV host inirereklamo sa baho ng kili-kili

MASAYA ang pandakekok na stylist sa kanyang trabaho dahil kumikita siya ng malaki para sa kanyang mga papa. Bibitbit lang siya ng sari-saring damit at ipasusuot sa mga artista, kita na. Inis lang siya sa isang TV host. Kung bakit kasi itinoka pa sa kanya ang hitad.

Reklamo ng stylist, bagong-bago niyang pinagagamit sa seksing TV host ang damit na dala-dala niya kapalit ng pag-promote sa programa nito, ngunit kapag ibinabalik na sa kanya ay parang ginamit na ito ng isang linggo dahil sa masangsang na amoy.
Partikular na nangangamoy ang parteng kili-kili hanggang sa manggas.

Sa madaling sabi, may putok ang TV host. Hindi raw kasi ito gumagamit ng deodorant dahil sa takot na umitim ang kanyang underarm. Dahil sa wala ngang ipinapahid man lang sa liki-liki, pinagpapawisan tuloy ito na nagiging sanhi ng pagbaho nito.

Pero hindi nagpatalo ang stylist, nakaisip ito ng paraan. Ang ginawa nito, karamihan sa mga bitbit nitong damit ay puro wala nang manggas para hindi raw masyadong masapol ng ‘ansod’ ng TV host.

Kaya happy na naman ang stylist dahil hindi na siya masyadong nagagastusan sa pagpapa-laundry ng mga hakot-hakot niyang mga damitsina.

***

Baron Geisler nilalabanan ang tukso ng alak

Sinabi ni Donnie, panganay na kapatid ni Baron Geisler, sadya raw talagang pinapupunta nila sa bar ang huli para ma-test kung hanggang saan ang pagtitimpi nito sa alak. Kaya huwag raw ipagkamali ng iba sakaling makita nilang tumatambay sa bahay-aliwan ang bagong Best Supporting actor ng recently concluded PMPC Star Awards for Movies.

Kung hindi ako nagkakamali, nung mapanood ako minsan ng PBB, parang nakita ko sa isang eksena sa comeback appearance nito sa naturang reality show sa ABS CBN na tila lasing yata ang aktor.

Kung uutusan palang uminom si Baron ay okey naman, huwag lang siyang magkusa. Ang pagbabago yatang ito ng binata ay depende sa sitwasyon. Puede siyang lumaklak ng alak kapag kailangan.

Well, hindi naman masamang uminom basta paminsan-minsan lang at hindi naaagrabyado ang ibang tao, katulad ng pang-iiskor niya sa chikcs.

***

Notes ni BB Gandanghari sisilipin ng nanay

Hindi kinumpirma ni BB Gandanghari ang kanyang pagpapa-sex-change, pero may pasubaling totoo ito dahil na rin sa malaman nitong ngiti.

Aniya pa, itanong na lang daw sa kanyang mga naka-eksena sa kama kung gaano siya kasarap, at siyempre kung ano ang kanilang natuklasan-may mahaba pa ba o hiwa na. Hehehe!

Pero may kombiksyon ang sinabi ni Mommy Eva Carino, kapag daw nalaman nitong nagpatanggal nga ng notes at balls ang anak niyang boy na naging girlita ay hindi raw talaga niya ito mapapatawad.

So, ang tanong dyan, ipasilip naman kaya ni Rustom, este, ni BB ang kanyang itinatago sa nanay nya para lamang matigil ito sa katatalak?

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply