Shaina ‘di pa magaling sa injury!

BALITANG nagpapagaling pa ang dyowa ni John Lloyd Cruz na si Shaina Magdayao matapos na maaksidente at ma-injury ang dalaga sa isang production number niya sa ASAP 2012 last Sunday (March 26).

Ayon sa Starmometer, maaaring hindi pa makita ang dalaga bukas (March 4) sa longest-running musical variety show.

Batay pa sa naturang showbiz site, mismong si Lloydie ang nagsabing hindi pa nakakalakad si Shaina ngayon.

Sinabi pa ni Lloydie na namamaga pa ang ankle ng magandang dyowa.

Gayunman, nilinaw ni Lloydie na hindi naman na-confine sa ospital si Shaina.

Kasalukuyan daw na nagpapahinga ang dalaga.

Abangan ang upcoming teleserye ni Shaina na ang working title ay “Doha: Kung Ako’y Iiwan Mo” kung saan makakasama niya sina Jake Cuenca at Bangs Garcia.

Nga pala, isinu-shooting ang ilang eksena ng naturang proyekto somewhere in Sampaloc, Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply