Shamaine Buencamino panalo sa 6th Asian Film Awards

ISANG karangalan na naman para sa Pilipinas ang pagkakapanalo Shamaine Buencamino sa katatapos na 6th Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong Convention & Exhibition Center kahapon (Marso 19).

Si Buencamino ang nakasungkit ng Best Supporting Actress trophy para sa kanyang pagganap sa indie film na “Niño.”

Tinalo ni Buencamino ang mga aktres mula sa China, Thailand, Japan at Hong Kong.

Bukod kay Shamaine, naiuwi naman ni Eugene Domingo ang People’s Choice for Favorite Actress para sa kanyang pagganap sa indie movie na “Ang Babae sa Septic Tank.”

Marami ang natuwa sa pagpapakuwela ng komedyante nang aabutin na niya ang tropeo sa Chinese superstar na si Andy Lau (na nagwaging People’s Choice Award for Favorite Actor). Bago kasi mag-speech si Uge ay kinuha niya ang kanyang cellphone at piniktyuran ang sarili kasama ang mahusay na aktor.

Samantala, Best Film naman ang “A Separation” ng Iran.

Ang nasabing pelikula rin ang nanalong Best Foreign Language Film sa 84th Oscar Awards noong nakalipas na buwan.

Noong 2009, ang mahusay na aktres na si Gina Pareño ay nanalo rin sa Asian Film Awards nang masungkit ang Best Supporting Actress.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply