Sharon Cuneta nanalo sa land dispute case

NANALO si megastar Sharon Cuneta sa isang kaso sa isang ari-arian sa Tomas Morato sa Quezon City na isinampa ng isang Justice ng Korte Suprema na si Justo Torrez Jr. at pamilya nito.

Sa 14-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon, pinagtibay nito ang kautusan ng Quezon City Regional Trial Court branch 84, na nagpapawalang saysay sa petition ng mga Torreses laban sa Sharon Cuneta Inc.

Walang nakita umano ang CA na pag-abuso sa bahagi ng trial court kung kaya’t nag-utos ang korte na ipatupad na ang desisyon ng RTC na umalis na ang mga Torres at isuko na ang pinag-aagawang lupa sa Sharon Cuneta Inc. na matatagpuan sa Tomas Morato Ave., at magbayad ng upa hangga’t hindi nakakaalis sa lugar.

Ayon sa korte, hindi pinanigan ang mga nagpetisyon dahil ang 398-square meter na lupa na may TCT o transfer of certificate of title na inisyu at nakarehistro sa pangalan ng Sharon Cuneta Inc. ay tama at makatuwiran para maging basehan sa kanilng desisyon.

Dati umanong kabahagi ang pinag-awayang lupa ng isang parcel of land na lot 19 na may laking 797.20 square meters, na dati ring nasa ilalim ng isa pang TCT na di umano ay nasa pangalan ng mga nagpetisyon. Ang binili umano ng SCI ay ang parte lamang ni Antonia Aruego ayon sa isang deed of sale noong 1998 na may sukat na 447 sq. meters, kaya’t hindi makatuwiran na palayasin ang mga Torres sa nabanggit na lupain.

Subalit dahil rehistradong may-ari ng lupain, iginiit ng CA na ang Sharon Cuneta Inc. ang malinaw at ligal na may karapatan sa kabuuan ng pag-aari ng nasabing lupain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply