Sharon Cuneta wala pa ring career sa TV5

SOBRANG naiinip na raw si Megasrar Sharon Cuneta sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng TV5. Late last year pa nang pumirma siya ng kontrata sa Kapatid Network.

Ang kaso parang wala naman yatang plano kay Mega ang mga EP (executive producer) sa dahilang hindi raw magtagpo ang sched ng nanay ni KC Conception at ang mga writer sa gagawing show nito at marami raw demands kasi si Mega.

Dapat siguro upuan ito ni Sha at mga EPs sa TV5 para makabuo sila ng isang magandang concept. Kahit yung mga fans ng aktres ay nasasabik nang muling masilayan ang kanilang idolo on national television. Tungkol naman sa nangyayaring sigalot sa pagitan nilang dalawa ng kanyang Tita Helen Gamboa, marami sa kanilang kamag-anak ang nagdarasal na sana ay maayos na sila kaagad.

Talgang problemado sa ngayon itong si Shawie dahil bukod sa tampuhan nilang dalawa ng kanyang Tita Helen ay nakatatanggap pa siya ng mga tweets na masama, bastos, at may kasama pang panlalait.

Suspetsa lang namin na baka mga fans lang ito ni Piolo Pascual. Siguro naman kahit sinong artista ay talagang magugulo ang utak kung kaya’t pati mga desisyon nito’y naaapektuhan.

oOo

NGAYON pa lang ay hinuhulaan nang dati n’yang mga kaibigan itong biglang yamang negosyante riyan sa may San Andres Bukid Leveriza nakatira. Bukod daw sa pangraraket ng aging actress na ito sa nabanggit na biglang yamang negosyante, madalas raw itong kinakaray ni aging actress sa mga kakilala n’yang TV show at kapag nakikita raw ito ng mga reporter ay kaagad silang tinatawag ng aging actress para ipakilala itong si biglang yamang negosyante para mamudmod ng datung sabay pakilala na mayaman ito.

Ang usapang istilo ng pangraraket ni aging actress kay negosyante na taga-San Andres Bukid ay binebentahan niya ito ng mga alahas na kahit ang halaga ay P200k lamang, naibebenta n’ya ito ng P2 milyon na kinakagat naman ng negosyante dahil nga sa hindi pa naman ito marunong kumilatis ng mga mamahaling alahas.

Pero minsan daw ay ‘di na lang nababanggit ni negosyante ang mga alahas na binili n’ya sa Ongpin sa aging actress (na mataba at may dalawang anak na nag-aartista rin pero nalaos na) dahil alam na naman nitong mumurahin lamang ang mga alahas na binili niya sa nakilalang aging actress.

Talagang malayo na ang narating ng biglang yamang negosyante dahil kahit kaninong alahera mo itanong ay kilala na ito. Kilala mo ba ang negosyanteng ito Richard Pinlac na ang inisyal ng kanyang name ay si TP? Sus, ginoo, ito raw si TP ay nagrereyna-reynahan ngayon diyan sa Leveriza St., San Andres Bukid.

oOo

SOBRANG nag-enjoy raw ang mga officer at president ng National Press Club na si Jerry Yap sa dala kong komedyanteng D’Puk-Yaw Duet na alaga ng kaibigan naming si Direk Bing Santos. Madalas rin naming napakikinggan ang dalawang hitad sa programang Lapid Fire ng kaibigan naming si Sir Percy Lapid. Malinis at walang batukan o murahan at bastusan ang show na ito ng D’Puk-Yaw Duet.

oOo

DAHIL sa sobrang naging successful ang show ng mga gwapong modelo at mga macho dancer ng White Bird noong nagdaang linggo, may bonggang event na naman ang nasabing gay bar ngayong March 30, 2012 na siguradong magpapataas ng presyon ng mga nanonood ayon kay Mommy Gretta (cell# 09217405735) sa araw ng Biyernes.

Well, rarampa raw muli ang mga gwapong modelo at macho dancers sa entablado na walang saplot at kamay lang ang nakatakip sa kanilang naghuhumindig na sandata. Ano sa palagay mo, Sir Jordan at Sir Joven? Pupunta kaya ulit ang dalawang aging actress na may inisyal na double S at EO??? Abangan na lang…

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply