Shiphaus, the Bohol tourist attraction

“Magtayo ng pangarap at ang pangarap ay siyang magtatayo sa iyo,”  totoong nangyari sa buhay ni Capt. Gaudencio Tiongco Dumapias.

Ang programa “Health & Travel @ Serbisyo Publiko with Dr. Hilda Ong” sa DWBL 1242kHz (Lunes hanggang Biyernes, 9:00 – 10:00) nakapag-live broadcast sa Tagbilaran City, Bohol.

Sinamahan ako nina Gemma Dominise Candog at Antonio & Lorna Maceren ng Pilipinas Water Resources, Inc sa isang barko na ubod ng ganda at wala sa dagat.

Nagkwento sa amin si Captain Dumapias tungkol sa kanyang totoong buhay.

Siya raw ay isang batang lalaki na dating mahirap at nakatira sa isang barung-barong.

Kulang sa lahat ng mga bagay at pangangailangan sa buhay at hirap na hirap noong kabataan.

Minsan nasabi nya sa kanyang sarili na balang araw “ako ay kikilalanin at magtatayo ng bahay na magiging kakaiba sa lahat.”

Sa kanyang pakikibaka sa buhay at napakaraming mabibigat na pagsubok at pakikipagsapalaran, siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Marine Transportation, sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA). At naging mandaragat para sa isang international shipping company.

Dahil sa kanyang labis na pagnanasa, dedikasyon, pagpupunyagi at higit sa lahat sa tulong ng Panginoong Diyos, siya ay naging Master Mariner sa edad na 34.

Sa pagkakataas ng tungkulin sa kanyang propesyon, siya ay nag–umpisa ng pangarapin na matamo ang mga naisin nya sa buhay.

Bilang mandaragat, ginugol nya ang buhay nya sa pagsakay sa barko, bilang kanyang hanapbuhay. Dahil dito, ninais nya na makapagtayo ng bahay na animo’y barko.

Inumpisahan nya ang pagpapagawa nito, noong 2006. Habang ito ay itinatayo, ang mga local at dayuhang turista na napapadaan ay namamangha, napapahinto at ito ay kinukunan nila ng larawan, dahil sa ito ay kakaiba ayon sa kanila.

Ito ay tinawag nilang “Bay Barko” sa Visayan dialect, na ang ibig sabihin sa English ay house. Kalaunan ay tinawag nang SHIPHAUS, na matatagpuan sa Poblacion Note, Batuan, Bohol, Philippines. Noong April 16, 2011, ang araw ng SHIPHAUS BLESSING. Ito ang araw ng katuparan ng aking mga pangarap.

Sa pagbisita ni Congressman Arthur Yap ng 3rd district ng Bohol, iminungkahi niya na gawing tourist attraction ang shiphaus upang makatulong ang kikitain sa aking mga kababayang Batuananons.

Bilang isang mamamayan na nagmamahal sa mga kababayan at sa bayan ay hindi nya ipinagkait ang mungkahi at binuksan ko ang pintuan ng SHIPHAUS upang maging tourist attraction na noong una ay nakaplanong maging aking munting tahanan.

Ang ShipHaus ay isang kakaiba, kahangahanga, at kapakipakinabang na hotel. Ito’y nakakatuwang ilarawan bilang Noahs Ark ng makabagong Henerasyon. Ito ay bilang espesyal na dinisenyong may–ari, si Capt. Gaudencio T. Dumapias at sinimula ng itayo noong taong 2006 at matagumpay na natapos, pinasinayaan noong Abril 16, 2011.

Noong July 10, 2011, binuksan sa mga local at dayuhang turista ang ShipHaus upang maranasan nilang sumakay dito, at ideklara na isa nang tourist attraction sa Bohol.

Ang naturang ShipHaus ay may walo (8) mapagkandiling mga tauhan na pawang unipermado na nagpapakita ng 8 ring Cabins na may 5 airconditioned rooms at 3 pangkaraniwang kwarto.

Ang captain cabin ay may Jakozee para sa mga panauhin upang masiyahan sa kanilang pamamahinga sa gabi matapos ang isang mahabang paglalakbay. Ito rin ay nagging sentro ng mga lakbay – aral para sa mga mag – aaral, research studies, pagpupulong. Naging inspirasyon din ng mga kabataan upang ipakita ang kanilang pagiging malikhain sa iba’t – ibang mga bagay.

Sa karagdagan pa isang 3 palapag na kubo ang ginawa sa may likuran ng ShipHaus para sa nais kumain at magpalamig.

Ang ShipHaus ay naglalarawan ng Buhay Mandaragat na nagbigay kay Capt. Dumapias ng pagkakataon upang manalo bilang “Model OFW Family of the year Award” (MOFYA 2011) sa National Capital Region at naging nominado sa National Level Competition Sea – Based Category.

“Hindi na ako mag – aalala tungkol sa baha at bagyo, Ako ay natuto nang maglayag sa aking sariling barko, ang ShipHaus….  Sakay Na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply