Siga nanghabol ng saksak, sugatan sa parak

SUGATAN ang isang siga matapos barilin ng isa sa mga pulis na rumesponde nang magwala ang una sa Navotas kaninang madaling araw.

Matapos lapatan ng lunas sa paa ay isinelda ang suspek na si Sonny Flores, nasa hustong gulang at taga-North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nanghabol ng saksak ang suspek sa nasabing lugar na naging dahilan upang ireklamo ito sa mga pulis.

Nang respondehan ay hindi sumuko ang suspek sa mga pulis at tinangka pang putukan ang mga ito.

Naunahan naman ito ng isa sa mga pulis at nabaril ang biktima sa paa.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang bitbitin ng awtoridad.

Nakuha sa biktima ang kalibre .38 at patalim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply