Silahistang talent manager nagtitilam-tilam sa ex ng celebrity doctor

MARUNONG talaga ang controversial na personalidad na ito kung sino ang dapat niyang lapitan para magka-career.

At porke alam niyang interesado sa kanya ang silahistang talent manager na may alagang singer-actor, nang feel na niyang mag-artista ay kinontak niya ito para mag-handle ng kanyang career. At kung inaakala nyong bumigay na kaagad siya sa nasabing TM ay nagkakamali kayo.

Siyempre isusuko lang nito ang kanyang notes na naging daks dahil sa collagen kapag may naibigay na sa kanyang project. So far, wala pa naman lalo pa’t magulo ngayon ang buhay ni hunky personality.

Ang siyete, atat na raw si badilyang manager na matikman ang bagong alaga niyang ito. Kaso mo, ayaw raw muna nitong magpa-istorbo hanggang di naayos ang mga problema nito. Sad ngayon ang Ateh natin dahil ‘yung kanyang original na alaga ay baliw na baliw sa syotang foreigner kaya’t wala na itong weder sa kanya. Naku! Problema ba ‘yan andaming gay bar riyan no? Try mo gyud!

***

Rhian Ramos maiibigan ng moviegoers sa kaseksihan, galing sa pag-arte sa ‘My Kontrabida Girl’

SOBRANG hinangaan namin si Rhian Ramos sa teleserye nila noon ni Dingdong Dantes na Stairway To Heaven. We admit na na-hook kami na panoorin ito gabi-gabi. At kung na-feel si Rhian ng televiewers, tiyak na susuportahan rin siya sa kanyang latest movie na My Kontrabida Girl kung saan ang Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ang kanyang leading man dito.

Patutunayan ng young actress ang kanyang versatility sa project na ito kung saan mahusay nitong nagampanan ang character ni Isabel Reyes bilang sikat na kontrabida sa soap opera kung saan talagang kinamumuhian siya ng lahat.

Pero biglang nagbago ang lahat nang maaksidente ito na muntik ng maging sanhi ng kanyang kamatayan. Hindi na maka-dilever nang tama at kulang na sa fire ang pagiging kontrabida nito at hindi na magawang saktan at sampalin ang kaeksenang lead star sa soap. Dahil dito ay sumemplang sa ratings ang kanilang drama series kaya nadismaya ang network at pinagpahinga muna si Isabel. At para maresolbahan ang dilemmang ito sa kanyang career, kailangang may tumulong sa kanya.

Sa pamamagitan ng YouTube, nakita niya ang kontrabida icon na si Bella Flores at binigyan siya nito ng advice na dapat makatagpo siya ng lalaking unang nagbibigay sa kanya ng heartache at ito nga ay si Cris Bernal (Aljur). Pero may madidiskubre si Isabel, na ang lalaking nanakit ng kanyang puso at si Cris ay iisa na naiwan noon sa kanilang lugar.

Mababago kaya ang lahat lalo pa’t muling bumalik ang pagmamahal nito sa rating nobyo? Alin ang pipiliin niya ang career o ang kanyang buhay pag-ibig? At dahil parehong mature na ang ginagampanang role, may ilang sexy scenes ang dalawa sa movie at masisilayan n’yo si Rhian sa kanyang swimming outfit at si Papa Aljur naman na naka-boxer shorts at may tagpo ring naka-trunks ang actor.

Panalung-panalo ang mga third sex na movie goers dahil may mga butt exposure rito sina Enzo Pineda, Kevin Santos Sef Cayadona at Ken Chan. Ka-join din sa casts sa obrang ito ni Direk Jade Castro sina Jake Vargas, Bea Binene, Chariz Solomon, Moymoy Palaboy, Bela Padilla, Gwen Zamora, Sabina Santiago and Ms. Bella Flores. May special participation rin ang veteran contravidas na sina Mana’y Celia Rodriguez, Odette Khan at young contravida na si Gladys Reyes plus Lolit Solis.

Showing na sa March 14 ang My Kontrabida Girl at may premiere night ito sa March 12 na gaganapin naman sa SM The Block sa North Edsa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply