Sina Lazo at Tacandong sa FDA at Marco Polo Flour

MATUWID ba ang daan na tinatahak ng Food and Drugs Administration (FDA) ni Pang. Noynoy Aquino?

Ito ang nakabitin na tanong sa isipan ng ating uzi makaraang makita nito na taliwas sa kautusan ng pangulo ang ginagawa ng FDA director na si Suzette Lazo.

PUMALAG ANG FDA

Pumalag ang ilang tauhan ng FDA makaraang mabasa ang ating artikulo tungkol sa pagkakadawit sa demanda ng pangalan ni FDA Director III Nazarita Tacandong.

Magugunitang idinemanda ng PNP-CIDG sina Lazo at Tacandong kabilang pa ang ilang opisyal ng FDA ukol sa isyu ng Marco Polo Flour Mills kung saan nag-urong-sulong ang FDA sa desisyon nito.

Sa administrasyon daw ni Tacandong noong ito pa ang OIC ng FDA Nov. 22, 2010 ay nagpalabas ito ng Cease and Desist Order (CDO) laban sa Marco Polo base na rin sa report ng mga inspektor ng FDA na wala itong kaukulang License to Operate (LTO) sa kanilang flour milling operation.

Sa madaling salita, kontra sa operasyon ng Marco Polo itong si Tacandong.

Kaya dapat lang na papurihan itong si Tacandong sa halip na laitin.

BAGONG AMO BAGONG DESISYON

Nang mapuwesto ang bagong amo ng FDA na si Suzette Lazo, biglang nagbago ang ihip ng hangin.

Dec. 13 nang mag-assume bilang bagong pinuno ng FDA si Lazo, Dec. 20 nang mai-turn over naman ni Tacandong ang lahat ng responsibilidad kay Lazo.

Pero noong Dec. 28 ay nagpalabas na kaagad ng LTO para sa Marco Polo itong bagong upong si Lazo.

PALPAK NI LAZO

Maituturing na palpak ang naging desisyon ni Lazo na magpalabas ng LTO dahil mayroon pang buhay na CDO ang FDA laban sa Marco Polo na una nang ipinalabas ni Tacandong.

Sa madaling salita, dapat ay ini-lift muna ang CDO bago pa nagpalabas ng LTO ang opisina ni Lazo na pumapabor sa Marco Polo.

SINO ANG KUMITA?

Duda ng CIDG may ilang gagong kumita r’yan sa loob ng FDA kaya nabulag sa pagpapalabas ng LTO itong si Lazo.

Hooops! Hindi po natin sinasabing kumita si Lazo sa LTO na ito, pero base sa bulong-bulungan, isang abo-gago este abogado raw ang nagsulsol kay Lazo na pirmahan ang LTO.

BAKIT PUMALPAK

Base sa sumbong ng ating uzi…hindi magtatagal ay mas marami pang palpak na gagawin itong si Lazo dahil ang tamang mamuno ng FDA ay isang taong may kinalaman sa pharmaceuticals.

Eh…yung abogado, may kinalaman ba sa pharmaceuticals?

HeHeHe! Baka sa aregluhan maaari pa! Sagot ng ating uzi.

SINO SI ATTY BOLIGLIG

Ito raw yung abogadong pumapapel ngayon sa FDA at tanging pinaniniwalaan ni Lazo.

Kaya hayan nagkabuhol-buhol ngayon ang trabaho sa FDA.

LABAN NG MGA HIGANTE

Hindi lingid sa kaalaman ng ULTIMATUM kung sino-sino ang mga taong naglalaban sa kasong ito ng Marco Polo.

Ang Marco Polo ay pag-aari ng isa sa mga kapatid ni Kim Wong na kilalang maraming koneksyon sa pamahalaan.

Samantala ang umupak naman dito sa Marco Polo at walang sawa sa pag-follow-up ng kaso ay isang nagngangalang Arlene na kilalang tirador naman ng dating pangulo ng Fil-Chinese Chamber of Commerce na si Alfonso Uygongco na isa ring hari ng flour milling industry.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

BULASTOG NA TANOD SA TAGUIG

Sir, gusto ko lang pong isumbong ang kabulastugan ng mga barangay tanod dito sa Ibayo Tipas, Taguig. Nanghuhuli ng umiiskor ng shabu. Pero hihingan lang ng isang sakong bigas kada ulo tapos pakakawalan na.

Hinihintay lang nila yung tawag ng tulak. Tapos aabangan nila yung iskorer.
Talamak po ang shabu rito sa ibayo. Pati pulis ganon din ang ginagawa. Pera-pera naman at pagkatapos laya na. +63919923….

REMATE ANG PABORITO

Good pm, Sir Benny. Paborito ko pong basahin ang kolum ninyo. Pati po yung Pooroy, nobela at showbiz! Sana po marami pa kayong NBA news tungkol kay Jeremy Lin. More power sa Remate! Thank you po. +63910226….

KAWAWA KAY MAR ROXAS

Naku naman ang programa ni DOTC Sec. MAR ROXAS. Pangmayaman ang iyong programa. Kawawa ang nakararaming masang Filipino. Isipin po naman ninyo ang nakararaming mahihirap. +63920823….

NAGPAPASALAMAT

Salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa mga tulad naming pangkaraniwang tao na maiparating kaht papaano sa kinauukulan ang mga problema namin. Sana po wag po kayong magsawa sa pagtulong at ang Diyos na po ang bahalang magbigay ng gantimpala sa inyo at sa inyong pamilya. +63908265….

BARANGAY HINDI NAGPAPASAHOD

Sir Benny. Nais ko lang iparating sa inyo na rito sa Pasay, Brgy. 201, Kalayan sa Fire Station ay dalawang buwan nang hindi nagpapasahod. Sana makarating ito kay Mayor CALIXTO. +63905975….

GOV’T VEHICLE PUTI ANG PLAKA

Good pm, Remate. Tanong ko lang: bakit ang daming sasakyan ng mayor at congressman namin dito sa Mandaluyong na service nila? Siguro nasa 20 na vehicle pero puro puti ang plaka. ‘Di ba dapat pula ang plaka ng mga ito. Salamat po +63999621….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply