Sina Mayor Calixto at Mayor James Gordon

HETO na naman ang magandang balita, ang Pasay City na pinamumunuan ni Meyor Antonino Calixto.

Marami na sa kanyang mga kababayan ang gustong  mag-alsa laban sa kanilang punong-lungsod dahil sa ginagawa nito sa kanilang lugar.

Hindi nga raw malaman ngayon n’ung isang nagmamagaling sa tabi ng meyor kung paano’ng pababanguhin ang imahe ng kanyang amo dahil siya rin mismo ay hindi naman alam ang kanyang trabaho.

Sabi nga ng tropa sa gilid-gilid, madaling kausap ang think tank na ito ni Meyor Tocalix ng Pasay pero mahirap namang hagilapin.

Nagkukumahog na nga ang mama na ayusin ang mga kasong graft pero mukhang walang magawa.

Anong nangyari? Hindi ka ba makalaya sa ginagawa mo para pabanguhin sa kanyang mga kababayan si Meyor Tocalix?

At saka nga pala, think tank nga ba ang papel sa buhay ni meyor ng taong ito na nag-aambisyon at walang ginawa kundi manulot ng posisyon ngunit wala naman talagang alam?

Katulad din pala ng pralala na ito ng mga pralala n’ung malaking mama, hindi alam kung ano ang gagawing diskarte para sa kanyang amo.

Meyor Tocalix, palayain mo na kaya ang nagpupumilit na dumikit  at kunwari’y siya ang bahala sa’yo sa mga taga-Pasay dahil lalo lang sumasama ang image mo.

& & & & &

Good news para sa mga taga-Olongapo City ang tulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng kanilang mayor na si James “Bong” Gordon at Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa Memorandum of Agreement na nabuo, itatayo ng dalawa ang Strong Motion Accelerograph (SMA)  na katulad ng isang seismograph na may kakayahang alamin at i-monitor kahit na malit na paggalaw ng lupa o paparating na lindol.

Ang accelograph na ito ang magtatala ng mga paggalaw ng lupa sa buong Olongapo City upang makapagbigay babala sa taumbayan at makatulong sa Phivolcs na maiguhit ang mga hazard map ng siyudad sa pamamagitan nito.

“Sa kasalukuyan ay hindi talaga mape-predict ng present technology ang earthquakes, pero kayang mabawasan ang epekto  nito sa pamamagitan ng ibayong paghahanda.

“Makatutulong din ang instrumentong ito sa engineers natin para madisenyo nang maayos at mapatatag sa lindol ang buildings na itatayo in the future,” sabi ni Mayor Gordon.

Binigyang halimbawa ni Gordon ang killer earthquake na tumama sa Japan isang taon na ang nakalilipas kung saan libo-libo ang namatay, milyong halaga ng ari-arian ang nawasak at ito ang ayaw nang maranasan ng punong-lungsod ng kanyang mga kababayan.

Iba na nga naman ang handa dahil una sa lahat ang commitment ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

Kaya naman ipino-propose ng PHIVOLCS na magkaroon ng  Community Based Early Tsunami Warning Device System sa Subic Bay Area dahil nakaharap ito sa Manila Trench sa West Philippine Sea na posibleng magdulot ng tidal waves matapos ang isang malakas na lindol.

Good job Mayor James “Bong” Gordon Sir!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply