Sina Motie at Nelson Ching sa buhay ni Mayor Calixto

KATAKOT-TAKOT naman itong kabulastugan diyan sa Pasay, dahil napakalakas nga ba sa ’yo Meyor Tocalix nitong si Nelson Ching? Ano bang mga pabor ang ibinigay mo sa mamang ito noong nangangampanya ka pa at ngayon ay bulag, pipi at bingi ka sa mga pinaggagawa nito?

Grabe rin daw ang lakas sa ’yo nitong  si Motie dahil maganda ang koleksiyon na iniaabot sa tuwing magkikita kayong dalawa sa isang sekretong tagpuan na malapit lamang sa mismong city hall o lumayo man ay hindi na rin makaligtas sa matang nakatingin?

Ang problema, meyor, kahit anong sikretong pagtatagpo para mag-abutan ng (hatag?) ay marami naman ang nakakikita dahil nabubuwisit na ang mga kababayan mo, sir.

At ito bang kaso mong anti-graft, paano mo kaya itong malulusutan? Nakikinita ko na kung paanong kakamot ng ulo ‘yung nagmamagaling na lalaki riyan na naka-ung-ong (read:sipsip) sa iyong pundilyo na ang misis ay isang nagmamaganda rin at palaging nagmamarunong na ang gusto lang naman pala ay manulot at mamutitik sa salapi ng siyudad.

Totoo rin ba na twelve day’s lamang at ganu’n kabilis ninyong naapruban ang kontrata sa pagpapaupa ng Pasay City Mall?

Aba, e, milyones ang mawawala sa lungsod kapag ganyan ang diskarte. Hindi kaya nakinig ka sa payo n’ung naka-ung-ong na mama sa tabi mo?

Nakupo, Meyor, baklasin mo na ‘yan dahil kung hindi lalong malaking kapahamakan ang idudulot sa’yo niyan!

&&&&&&&

Totoo bang nakatatakot na palang manirahan sa isang barangay riyan sa lungsod ng Malabon?

Paano ba naman, sa mga reklamo at kuwetong naririnig natin, lumalabas na sa loob ng isang linggo, kung hindi holdapan at gulpihan ay may binabaril at namamatay partickular diyan sa Letre sa Barangay Tonsuya.

Nito nga lamang nakaraang linggo ay isa na naman ang malapitang binaril habang nakikiusyoso sa isang lamayan ng patay at nadamay pa ang kasama nitong kaibigan ng dalawang hanggang ngayon ay hindi pa nakikilalang suspek.

Aba, e, nakatatakot na nga dahil kahit umano katanghaliang tapat ay may nangyayaring holdapan at pamamaril sa nasabing lugar at hindi lamang pala roon. Ang sabi pa ng impormante natin, madalas na tambayan ng mga holdaper ang isang lugar kung saan ilang metro lamang ang layo sa isang Police Community Precint (PCP) na nakatayo sa tapat ng isang malaking mall sa Malabon.

Calling the attention ang hepe ng  Malabon City Police na si Kernel Ferdinand Ampil, sir, baka naman napapasarap ka riyan sa kinauupuan mo at hindi mo na nalalaman kung ano ang nangyayari sa iyong nasasakupan.

Baka lang hindi mo napapansin na tumataas ang bilang ng krimen sa teritoryo mo dahil din sa talamak na bentahan ng iligal na droga riyan sa isa pang barangay na malapit sa opisina mo. Sir, trabaho tayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply