Singil sa kuryente bababa ngayong Marso

BABABA ng hanggang P0.24 kada killowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.

Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, bumaba ang presyo ng generation charge ng Independent Power Producers (IPPs) na Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng hanggang P5.04 kumpara noong Pebrero kaya ibabalik ito ng Meralco sa consumers.

Sa tapyas na presyo, nangangahulugan na P22 ang ibabawas sa komukonsumo ng 101 kwh kada buwan, P48 sa 200 kwh users, P72 sa mga komukonsumo ng 300 kwh, P96 sa 400 kwhusers at para sa mga 500 kwh users, P120.

Gayunman, hindi pa tiyak ng MERALCO kung muling bababa ang singil sa mga susunod pang mga buwan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply