Sinita sa paglalasing, leeg ng anak tinigpas ni tatay

PATAY na nang idating sa pagamutan ang 34-anyos na lalaki matapos tagpasin ang kanyang leeg ng sariling ama sa Capiz, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Benson Besona, 34, ng Barangay Natividad, Pilar, Capiz, habang agad namang nadakip ang suspek na si Celso Benoa, 64.

Sa ulat, kagagaling lamang ng biktima sa pangingisda nang madatnan na naglalasing ang ama.

Nang kanyang sitahin ay nagalit ang suspek saka agad na kumuha ng itak at tinigpas sa leeg ang anak.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply