Sino ang baliw?

MAS maging magalang kaya si Senate-Judge Miriam Defensor-Santiago sa mga abogado sa darating na impeachment trial?

Tiyak iyan, kung ako ang tatanungin ninyo. Simple lang ang kasagutan diyan. Ang defense panel ni impeached Chief Justice Renato Corona na ang haharap sa trial starting next week.

At kung tatanungin ninyo pa uli ako, oo, tiyak na mas higit na magalang na si Mrs. Santiago dahil mukhang kampi siya kay Corona.

Pagsabihan kaya ni Senadora ng gago ang mga taga-defense panel? Pero ang sabi ni senadora, iyan talaga ang ugali niya at inborn na sa kanya ang kanyang manners, manner of speaking at iba pang manners, in a manner of speaking.

Sa kanya, tama ang kanyang manners and conduct.  Well, iyan ang kanyang opinion at sorry na lang kayo kung ayaw ninyo siyang pakinggan sa kanyang lecture na para bang ang kausap niya ay mga bobong batang nasa classroom.

Noong Lunes, ang desisyon ng impeachment court na motion to cite in contempt si private prosecutor Vitaliano Aguirre for closing his ears while Mrs. Santiago was calling the prosecution as mga gago ay isang sampal sa matapang daw na senadora.

Sampal dahil ang desisyon ng impeachment court ay tapikin lang sa balikat si Atty. Aguirre na ang grado sa bar ay over 80% at kay Lady Miriam ay nasa line of 7 lang or over 70% lang.

Anyway, mukhang sanay na si Senadora Miriam sa mga ganitong situwasyon. Noong mga nakaraang taon ay sinabi niya sa Senado na ang mga imbentor ng graft and corruption ay ang mga Chinese.

Nagalit ang Chinese government at agad namang nag-sorry si Defensor-Santiago.

Hindi naman tunog “I’m sorry” ni Gloria Macapagal Arroyo na binatikos ng bayan dahil sa pagtawag niya sa isang Comelec commissioner para bigyan proteksiyon ang kanyang boto.

Graft and corruption ang bintang o charge kay Corona na sabi naman ng defense panel ay non-disclosure lang ng assets, liabilities and network at hindi corruption ang bintang sa chief justice.

Alam ni Mrs. Miriam kung ano ang graft and corruption dahil ang dami nang nagdemanda kay senadora ng paglabag sa anti-corruption law noong nasa immigration pa siya.

Anyway, magiging mas maliwanag na kung ano talaga ang position ni Lady Miriam sa impeachment trial.

Batikusin kaya niya si chief defense panel former Supreme Court Serafin Cuevas? O ang prosecution panel kaya ang patuloy niyang pupuntiryahin?

At siyanga pala, mukhang hindi yata pinaiiral ng committee on ethics ng Senado ang mga senador na maaaring maging bastos sa impeachment trial.

Pero okay lang dahil sapat na sampal na kay Mrs. Miriam ang desisyon ng impeachment court na huwag sampahan ng contempt of court si Atty. Aguirre.

Last week din, nagalit si Mrs. Miriam sa mga estudyante ng University of the Philippines (UP) dahil bumoto sila sa isang survey na nagsasabing dapat tanggalin si Corona sa Supreme Court.

Biro ninyo, dapat daw ang mga bumoto na kontra Corona ay parusahan ng expulsion.

Ewan ko ba, kung minsan gusto ko nang maniwala na baliw si Mrs. Santiago.

Alam naman ninyo ang nagagawa ng isang baliw. Maski sariling anak, kaya nitong patayin sa pamamagitan ng baril o kutsilyo o sa non-stop nagging. Hindi po
baliw si senadora.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply