Sino si ‘Sweety’ sa buhay ni Cristine Reyes?

WE were at the official opening of the Bangkero Festival in Pagsanjan, Laguna. Dusa talaga ang inabot namin to catch up with 6 am opening of the rites, we came all the way from Pampanga at talagang di na kami natulog just to make it on time. Sulit naman dahil napakaganda, lalo na yung fluvial floats parade. Lahat pala ng ideas ay galing kay Douglas Nieras who is the over-all director of the Bangkero Festival.

Later on the ceremonials, sa plaza naman ng Pagsanjan ang sumunod na event.

Doon talaga, inawit nang pagkaganda-gandang mayor na si Maita Sanchez ang theme song ng festival kung saan pinalakpakan naman ito nang husto.

Dahil nga ang ganda ng kanyang boses, hitsura ng isang professional singer sa kanyang malamyos na rendition.

Naroon nga pala si Governor ER sa festivities at talaga namang sinuportahan ang kabiyak. Later, nag-speech pa si Governor at talaga namang panay ang papuri sa magandang misis.

When we finally interviewed the couple over a sumptuous lunch, daming napag-usapan pero pinakamaganda yung topic tungkol sa kagustuhang muling makabalik sa limelight si mayora. As we all know, artista rin ito at sa showbiz sila unang nagkita ni Govenor ER. Lumalabas na nami-miss na talaga ni mayora ang limelight and given the right break, talagang gugustuhin niyang muling mag-artista.

Kung papayagan ako ni Gob, saba’y turo sa kanyang kabiyak. “No problem sa akin yan, okey lang, basta ba tama lang yung project. I love to see her to be in the limelight again,” salo pa ni Gob. ER.

Excited nga si mayora at aniya talaga namang nanonood siya ng telebisyon at kung minsan nakararamdam siya ng inggit sa mga nakasabay niyang nakikita sa mga teleserye. “Kaya ko rin yun, basta, sana mabigyan din ako ng tsansa,” sabi pa niya.

Kung papasok na muli sa pag-aartista, paano na’ng kanyang posisyon bilang mayor ng bayan ng Pagsanjan?

“Priority ko siyempre ang makapaglingkod pero laging may oras. Kasi nga, parang breaker na rin yan sa gawain ko sa public service. Pinili kong maglingkod, kaya talagang kaya kung tiisin ang mga dusa para lang mapagbig- yan ko yung gusto kong balikan ang pag-aartista,” sabi pa niya.

By the way, limang araw ang itatagal ng festival which started March 27 at matatatapos sa March 31.

***

BAGO umalis para sa Star Magic Teleserye Bida Show si Rayver Cruz, na-inteview siya ng mga TV reporter sa airport tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong diumano’y breakup nila ni Cristine Reyes.

Ang lumalabas na dahilan ng breakup ay si Piolo Pascual, kapareha ni Cristine sa Dahil sa Pag-ibig.

Ayon sa young actor, wala itong katotohanan at lalong hindi totoo na nagseselos siya kay Piolo.

“Nahihiya nga ako para kay PJ kasi sobrang bait niyang tao at kaibigan ko talaga siya, pero alam naman niya ’yon,” say ni Rayver sa ABS-CBN news.

Ayon pa sa young actor, hindi rin niya alam kung paano at saan galing ang balita.

“Kapag hindi masyadong nagkikita dahil busy ay break na?” say pa niya.

Normal naman daw sa isang relasyon ang nagkakatampuhan o nag-aaway at hindi niya raw alam kung bakit naging issue na break na sila.

“Katulad ng sinabi ko, ever since ay okay kami, same pa rin. ’Di na kailangang palakihin ang isyu, ganoon pa rin,” pahayag pa ni Rayver.

Nauna rito, nagbigay na rin ng maikling text message si Cristine sa The Buzz last Sunday saying na okay sila ni Rayver.

Pero may nakausap naman kaming isang malapit kina Rayver at Cristine na nagsabing talagang split na ang dalawa at kaya ayaw pang umamin, dahil hoping pa rin ang young actor na maaayos sila lalo pa’t nagsalita ang girlfriend na okay sila.

Pero heto ka, may source who said something like na isa sa mga pinagseselosan ni Rayver ay yung may politician daw na kaagaw nito kay Cristine. Ayon kasi sa source, hanggang ngayon daw, gustung-gusto pa ng politician si Cristine kahit pa nga matagal na yung romantic liaison nila. Kung paniniwalaan ang source, naging magkarelasyon ang politiko at si Cristine noong starlet days pa lang ng kapatid ni Ara Mina.

Ang politiko raw mysterious SWEETY na pinagseselosan ni Rayver Cruz.

How true?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply