Sinong may sabi na bawal ang karatula sa proyekto?

INIIKOT natin ang Metro Manila at karatig na lalawigan kaugnay ng pagbabawal ni PNoy sa mga pulitiko na huwag maglagay ng kanilang sariling karatula sa mga  proyekto ng gobyerno sa kanilang nasasakupan.

Waepek talaga itong si PNoy.

oOo

Sa Metro Manila, puno ang mga lansangan ng mga anunsyo ng mga pulitiko sa tabi ng kanilang mga proyekto o adbokasiya o sinusuportahang mga kampanya na para umano kay Juan.

Sa isang lungsod, meron pa ngang kakaiba.

Nagsuot ng graduation picture ang isang pulitiko at panay ang pagbati sa kanyang nasasakupan kaugnay ng gradwesyon at kampanya laban sa basura o para sa malinis na kalikasan at kapaligiran.

Siyempre pa, ang seksi-seksi ni pulitiko at ang bata-bata. Maasim na maasim ang dating.

Yun pala, panahon pa ni Limahong nag-gradweyt ito.

At siyempre, uugod-ugod na siya bagama’t matikas ang kanyang dating bilang pulitiko.

Kilala ba ninyo kung sino ito, huh?

Kalaban ito ng Maynilad dahil ito ang nagpapagawa ng poso kahit saan.

Kahit paano, nakamemenos nga naman ang mamamayan ng gastos sa sobrang mahal na tubig ng Maynilad.

oOo

Meron ding seksing-seksi na pulitiko rin na malapit lang sa Metro Manila.

Ito ang hindi naniniwala kay PNoy.

Basta proyekto na pinondohan umano ng kanyang pork barrel, naroroon ang byutipul niyang piktyur.

Alam ba ninyo, Suki, ang sinasabi ng kanyang nasasakupan?

Maganda-ganda naman. Hindi umano katulad ni pulitiko ang pinalitan niya na sa halalan lang nagpoproyekto.

Kahit walang halalan nagpoproyekto ang pulitiko ngayon pero ang kanyang pinalitan, bisi lang sa pagkakapera-han gaya ng abono iskam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply