Sintunado tinarakan ng nairitang mag-utol

NASA kritikal na kalagayan ang isang lalaki na tubong Zone 5, San Juan, Molo, Iloilo City matapos saksakin ng magkapatid na nairita sa kanyang sintonadong pagkanta.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Gustilo, 48, ng nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-videoke ang biktima sa bahay ng landlady ng mga suspek na si Rodelyn Samaniego nang hindi magustuhan ng magkapatid na Eliseo at Roger Maquero ang sintonadong kanta ng biktima kaya kanilang pinagsabihan ang biktima.

Ngunit sa halip na umalis ay nagpatuloy sa pagkanta ang biktima dahilan para sundana siya ng magkapatid at pagsasaksakin.

Patuloy namang ginagamot sa Western Visayas Medical Center si Gustilo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply