Sinuyo ng Dos ang pagtatampo ni Greta!

SUMAMA pala ang loob ni Gretchen Barretto no’ng malamang hindi na matutuloy ang dating project na pagbibidahan sana nila ni Angelica Panganiban at Diether Ocampo, ang “Alta.” Pinaghandaan daw kasi ito ng sikat at kontrobersiyal na aktres na follow-up sana sa huli nitong project sa Kapamilya, ang “Magkaribal.”

Na-appease naman ang tampo ni Greta na’ng i-offer sa kanya ang isa pang soap na pagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo, ang “The Princess and I” na aarangkada na rin sa susunod na buwan.

All star-cast ang nasabing project at ngayon pa lamang ay masasabi naming mag-iingay muli ang bumubuo ng soap lalo na si Gretchen na walang ka-effort-effort kung gusto nitong mapag-usapan.

—@@@—

MULING magbibigay ng awards ang THE PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB (PMPC), INC. sa pamumuno ni Pangulong Roldan Castro para sa mga pelikulang ipinalabas nu’ng 2011.

Binusising mabuti ng PMPC screeners – indie at mainstream – ang mga pelikulang karapat-dapat na pumasok sa nominasyon para sa 28th PMPC Star Awards For Movies. Ipamamahagi ng PMPC ang 28 awards para sa iba’t ibang kategorya.

Ipagkakaloob kay Eddie Gutierrez ang  Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at si Direk Marilou Diaz-Abaya ang tatanggap ng Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera.

Ang Airtime Marketing, Inc., sa pamumuno ni Ms. Tess Celestino, ang producer ng 28th Star Awards For Movies na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave.,Pasig City sa March 14, Miyerkules. Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-uumpisa ang  naturang parangal ng eksaktong alas-5:00 ng hapon.

Si Direk Al Quinn ang magdidirehe ng awards night na ang airing ay mapapanood sa ABS-CBN sa March 18, 10 p.m. Ang mga host ay sina Sarah Geronimo, KC Concepcion at Derek Ramsay.

—@@@—-

AS EXPECTED, nag-trending worldwide via social networking sites ang pilot episode ng Sarah G. Live last Sunday kung saa’y ipinakita ang post-Valentine date nina Sarah G. at ng diumano’y lover nitong si Gerald Anderson.

From Manila Bay, sumakay ng yate ang dalawa. Nauna si Gerald sa yacht at sabi’y sorpresa raw ito for Sarah na walang kaalam-alam na naroroon din sa loob si Gerald.

In fairness, reading between-the-lines and judging from their actions (like paholding-holding hands) hindi maipagkakailang meron na ngang magandang namamagitan between Sarah and Gerald, kahit itanggi o idinay pa ito ng dalawa.

After all, botong-boto ang mga magulang ni Sarah for Gerald. If not, baka magaya ito kay Rayver Cruz na hinabol-habol at muntik-muntikan na raw maupakan ni Daddy Delfin sa compound ng ABS (during ASAP) if cooler heads did not intervene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply