Sixto Brillantes nairita sa mga kongresista

NAGLABAS ng kanyang tampo sa mga kongresista si Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes sa pagdinig na isinagawa ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Ito ay kasunod ng paninisi ng mga kongresista sa Comelec kaugnay ng pagkukulang ng komisyon sa 2010 eleksyon kung saan kauna-unahang gumamit ang gobyerno ng PCOS machines mula sa Smartmatic International Corp.

“All I have been hearing from all of you is the wrongs we made in 2010. Can we possibly talk about what we will do in 2013? I feel very bad about this, all I get is what are the mistakes we made. I hope somebody will come forward and guarantee that a machine will be perfect,” ayon kay Brillantes.

Si Quezon City Rep. Bernadette Herrera Dy ang unang nagpakalma kay Brillantes sa pagsasabing nais lamang malinawan ng mga kongresista ang paghahanda ng komisyon para sa 2013 elections partikular aniya kung may aksyon ang COMELEC sa kabiguan ng Smartmatic.

Dito binanggit ni Brillantes ang lumabas na komento ni Solita Monsod sa isang pahayagan na nagpagalit sa kanya.

Si Monsod ay isa sa mga kritiko ng Comelec dahil tutol ito nang panatilihin ng komisyon ang paggamit sa teknolohiya ng Smartmatic.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply