Smartmatic PCOS machines gagamitin sa 2013

ANG mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines ng service provider na Smartmatic International ang muling gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) sa May 13, 2013 automated National and Local elections.

Ito’y matapos magdesisyon ang Comelec sa botong 5-2 na bilhin na lamang ang mahigit 80,000 voting machines mula sa Smartmatic International.

“We decided that we just go with the exercising of the option to purchase these Smartmatic machines,” ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes, Jr.

Sinabi ni Brillantes na nagdesisyon silang bilhin na lamang ang mahigit sa 80,000 voting machines mula sa Smartmatic International dahil nakuntento naman sila sa paraan ng Smartmatic sa pagtugon sa mga problema nang gamitin ang naturang mga makina noong May 2010 national and local polls.

Ipinaliwanag ng Comelec chief na halos lahat naman ng aberya noong nasabing halalan ay naitama ng Smartmatic.

Nabatid na ikinonsidera rin ng Comelec sa desisyong bilhin ang PCOS ang familiarity ng mga botante sa mga makina, gayundin ang limitadong budget ng poll body.

Ang mga makina ay nabatid na nagkakahalaga ng P1.8 hanggang P1.9 milyon bawat isa at kabilang din sa bibilhin ay ang automated election system (AES) software at ang consolidation and canvassing system (CCS).

Ang matitirang P5 bilyon sa P7 bilyon budget ng Comelec ay gagamitin naman sa mga serbisyo para sa 2013 polls tulad ng warehousing, technician personnel hiring, ballot papers, ballot printing, at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply