Smoke-free environment ituro sa mga bata – DoH

HINDI dapat maging masamang ehemplo ang mga magulang sa kanilang mga anak pagdating sa paninigarilyo.

Sa ginanap na Healthy Lifestyle activity na nilahukan ng may 17 local government units sa Metro Manila, iba pang ahensiya ng pamahalaan, non-government organizations, at civil society, pinayuhan ni Health Center for Health Development – Metro Manila (DOH-CHD-MM) Regional Director Eduardo Janairo ang mga magulang at mga caregiver na protektahan ang kanilang mga anak laban sa masamang epekto ng sigarilyo sa kalusugan.

Ayon kay Janairo, dapat na maging istrikto ang mga magulang at mga caregiver ng mga bata sa pagpapatupad ng smoke-free environment sa kanilang mga tahanan.

Hindi aniya dapat na maging masamang halimbawa ang mga magulang sa mga bata at

umiwas na manigarilyo habang nakikita ng kanilang mga anak.

Giit ni Janairo, ang pagpigil sa mga bata sa paninigarilyo sa batang edad pa lang ay makatutulong upang mailigtas sila mula sa mga karamdaman tulad ng lung cancer, stroke at gangrenem.

Nabatid na ang “Healthy Lifestyle Awareness Campaign” activity ngayong taon ay may layuning pataasin ang kaalaman ng publiko hinggil sa masamang epekto ng paninigarilyo.

Matatandaan na una nang iniulat ng health authorities na ang tobacco o paninigarilyo ay isa sa risk factors ng non-communicable diseases (NCDs) sa bansa.

Ayon sa World Health organization (WHO), ang NCDs ay pangunahing sanhi nang pagkamatay sa buong mundo.

Sa Pilipinas, nasa 300,000 Pinoy ang namamatay dahil sa NCDs at karamihan ay sanhi ng cardiovascular diseases, cancers, chronic respiratory diseases at diabetes.

Samantala, pinapurihan naman ni Janairo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mahigpit na kampanya laban sa paninigarilyo sa Metro Manila dahil malaking tulong ito upang mapanatiling malusog at ligtas mula sa cigarette smoke ang susunod na henerasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply