Smuggler malakas sa Port of Clark

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ng smuggling activities ni Fe Y. sa Port of Clark sa Angeles City.

Hindi matinag-tinag ang swing operation ni Fe sa Port of Clark dahil sa ipinagmamalaki niya  na malakas siya kay District Collector Dela Cuesta.

Mantakin ninyo, malayang nailalabas-masok  ni Fe ang mga epektos nitong high end electronic goods at iba pang gadgets sa Port of Clark nang hindi man lamang sinisita ng mga Customs examiner dahil  sa ubod nga ang lakas niya kay Dela Cuesta. ‘Yung mga parating na kargamento ni Fe, sa halip na sa Port of Subic ang port of destination nito ay nagagawa niyang mai-swing ang mga kargamento nito sa Port of Clark.

Dahil ang balita ko, bukod sa hawak niya si Dela Cuesta ay ubod pa ang lakas niya sa nasabing district director.

Ewan ko lamang kung “tongpats” si alyas Pogi kay Fe kaya kahit vertical ang smuggling na negosyo ni Fe ay malaya niyang nailalabas ang kanyang mga kargamento kahit hindi siya nagbabayad ng tamang tax sa Customs.

Bakit nga ba, Customs Comm. Ruffy Biazon, na malayang nakapag-ooperate ng “swing operation” itong si Fe sa Port of Clark?

Ano bang mayroon sa nasabing pantalan???? (ABANGAN)

LOTTENG  NG MAGJOWA SA EPD

Malakas at hindi natitinag ang operation ng lotteng ng mag-jowang sina Cris at Rose sa Pasig City, Mandaluyong at San Juan.

Ang pinagtatakhan ko rito ay kung bakit hindi kumikilos si EPD District Director Supt. Mario Soriano.

Aba, h’wag namang sabihin ni Supt. Soriano na may “tongpats” kaagad siya sa mag-asawa ganong kabago-bago pa lang niyang district director.

Magtrabaho na muna kayo, Supt. Soriano, para naman kahit papaano ay may makita ng mga taga-EPD na kumikilos kayo….

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply