Sobrang manhid sa nagugutom, naghihirap

ANG dami na talagang naghihirap at nagugutom ngayon.

Dala ito ng sobrang mahal na mga produktong petrolyo na pinagkakakitaan ng mga kompanya ng langis at gobyerno.

oOo

Gusto ba nina PNoy na malaman kung sino-sino ang mga naghihirap at nagugutom dahil sa mahal na petrolyo?

Heto sila, Suki.

Tsuper at operator ng mga traysikel. Halos wala nang natitira para sa mga tsuper at operator at nilalamon na lang lahat ng gobyerno at kompanyang langis ang sana’y kita nila sa 12-16 oras na pamamasada.
Tsuper at operator ng mga dyipni. Umiiyak na talaga ang mga tsuper at operator dito.

Nilalamon din ng gobyerno at mga kompanya ng langis ang kanilang kita.

Magsasaka.

Gusto ng mga magpapalay na hindi inaabot ng irigasyon ang magsekon krap.

Pero hindi uubra dahil umaabot sa halos tatlong dram  ang kinakailangan nilang ubusin mula sa pagbubungkal ng lupa hanggang sa tag-ani.

Gaano karami silang mga tsuper, operator at magsasaka? Milyones sila, Suki.

oOo

Sabi ng gobyerno, wala itong magagawa kundi pakiusapan ang mga kompanya ng langis na huwag masyadong magtaas.

Dahil pakiusap lang, dedma lang ang oil kompanis sabay sabing ang gobyerno ang dapat na mag-adjas pababa ng  presyo dahil may tongpats itong value added tax na P15 kada litro.

Ito pa ang masakit.

Nagmamahal na ang presyo ng lahat ng bilihin.

Pati ang mga iniisyu ng gobyerno na lisensya, prangkisa, multa, abono, pestisidyo atbp.

Paano ka hindi maghihirap kung beri ismol na nga ang kita mo, nagmahal pa ang mga bilihin.

PNoy, ano ba, hanggang korapsyon lang ba ang iyong laban?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply