Sobrang pagpapawis

MAY mga taong pinagpapawisan nang sobra-sobra kahit hindi naman mainit, hindi nila magawang magtaas ng kanilang kamay tuwing sasagot sila sa klase dahil basang-basa ng pawis ang kanilang kili-kili.

Ayon sa doctor, ang “hyperhidrosis” ay kondisyon kung saan ang isang tao ay nagpapawis ng sobra sa kailangan nitong ilabas.

Bakit tayo nagpapawis?

Ang regular na pagpapawis ay nakatutulong upang makontrol ang temperatura at tubig sa ating katawan. Madalas tayong pinagpapawisan, ngunit mas kapansin-pansin ito tuwing mainit, kapag nag-eehersiyo, o kapag tayo ay nakararanas ng pisikal o sikolohikal na pagkapagod.

Tayo ay may 2-4 milyon na sweat glands sa ating katawan, lalo sa ating noo, mukha, kamay, kili-kili at paa. Ang mga ito ay naglalabas ng pawis na dumadaan sa skin pores upang maiwasan ang pag-overheat ng ating katawan. Kapag ang pawis ay nag-evaporate pinapalamig nito ang ating balat.

Bakit ang iba sa atin ay pinagpapawisan ng sobra?

Mayroong dalawang uri ng hyperhidrosis: Ito ay ang primary hyperhidrosis, kung saan ito ay lumalabas gawa ng sarili nito. Ang isa naman ay ang secondary hyperhidrosis, na epekto ng medications o mga problema sa kalusugan.

Karamihan sa mga taong may hyperhidrosis ay nagpapawis ng apat na beses na mas marami kaysa sa normal.

Katulad nina Ante at Gerry, pinagpapawisan sila kahit hindi naman kailangang magpalamig ng kanilang katawan. Kahit na sila ay kalmado, relaxed at presko, pinagpapawisan pa din sila ng sobra.

Hindi pa matukoy ng mga eksperto ang dahilan ng hyperhidrosis, ngunit sa tingin ng mga doctor na maaaring may problema sa daanan mula sa sweat glands hanggang sa utak. Lumalabas na masyadong sensitibo ang glands ng mga taong may hyperhidrosis

Ang problemang ito ay maaring namamana, na nagsisimula sa teenage years. Ayon kay Dr. Pariser, ang hyperhidrosis ay maaaring lumabas sa kili-kili, kamay, paa, sa mukha at anit. Maaari din itong mangyari sa buong katawan. Ang pagpapawis ay madalas na symmetric, ibig sabihin, ang parehong sides ng katawan ay apektado.

Sa kasamaang palad, ang pagpapawis ay hindi gustong pag-usapan ng mga tao. At dahil dito, hindi nabibigyan ng lunas ang ganitong kaso lalo na sa mga kabataan.

Gaano karami ang sobrang pawis?

Sa pag-diagnose ng hyperhidrosis, hindi ito sa dami ng pawis, kundi, gaano kalaki ang epekto nito sa iyong buhay.

Maaring magpawis ang tao ng dalawa hanggang walong beses na dami kaysa sa normal na amount, ngunit ito ay matatawag pa ring hyperhidrosis.

Maraming lunas ang maaaring pagpilian ng mga taong may Hyperhidrosis.

Uumpisahan muna ang paggamit ng malakas na antiperspirants. Pag ito ay hindi gumana, ipapasubok naman ang paggamit ng iontophoresis, ang pag gamot ng may kasamang low-level electrical currents, o botulinum toxin (Botox) injections, na humaharang sa signal na nagbubukas sa sweat glands.

Ang mga panglunas na ito ay uulitin kapag ang pagpapawis ay bumalik. Ang pag-inom ng gamot ay maaaring gawin kung hindi gumana ang mga panglunas, ngunit maaari din itong magdulot ng masamang epekto. Pwede ring sumailalim sa surgery upang maipaalis ang sweat glands kung wala ng ibang pagpipilian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply