Solon namumulubi, nanghihiram na lang ng celfone charger

MUKHA yatang namumulubi na ang isang mambabatas na ito na miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso dahil akalain mo bang pati ang charger ng kanyang cellular phone ay hinihiram lang niya sa kanyang staff o kung hindi ay pinipilit niyang makahanap ng mahihiraman ang kanyang staff.

Sa nasaksihan ni matang kuwago ng Remate, hindi lang ito ang unang pagkakataon na narinig niya sa mismong mambabatas na inuutusan ang isa sa kanyang mga staff na maghanap ng mahihiraman ng charger ng kanyang cellphone kung wala siya nito o hindi kapareho ng kanyang charger.

Walang nagawa ang staff kundi sundin ang kanyang boss sa kabila nang hindi niya alam kung kanino at saan siya makahihiram ng charger.

Ipinagtataka rin ng kanyang staff at ilang saksi na tila madalas yata ang pag low bat ng cellphone ng mambabatas gayong maaari naman itong mag-charge kahit saan maging sa kanyang sasakyan habang ito ay tumatakbo.

Sa hiya ng kanyang staff, ikinatwiran na lang nito sa hiniraman niya ng charger na pag-aari niya ang naturang cellhone  matapos na mapansin ng kanyang hinihiraman na tila familiar sa kanya ang cellular phone.

Gusto na ba ninyong makilala ang mambabatas na ito, paalala hindi siya si small lady kundi isa siyang lalaking mambabatas at may kalakihan.

Kung siya ay miyembro ng prosecution bahala na kayong mag-isip.

Pero, isa lang ang natitiyak ko, malaki ang problema niya kung papaano niya malulusutan ang isang ginawa niyang script na mahirap paniwalaan ng nakararami.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply