Sorbetes na gawa sa gatas ng camel patok sa Abu Dhabi

PATOK ngayong summer ang sorbetes na gawa sa gatas ng camel sa Abu Dhabi, United Arabs Emirates.

Ayon sa ulat, sinabi ni Abdullah Saif Al-Darmaki, Chief Executive Officer ng Al Ain Dairy, na gumatos sila ng malaking halaga para sa paggawa ng nasabing ice cream.

Mahabang oras din ang kanilang ginuguol sa paglikha ng bagong flavor ng ice cream na mula sa gatas ng camel.

Mabibili ang naturang ice cream sa mga flavor na: date, saffron, caramel at chocolate.

Balak din ng Al Ain Dairy na idagdag ang cardamom at rose-flavored milk.

Ayon sa mga eksperto, ang gatas ng camel ay mas maalat ng kaunti kaysa sa gatas ng baka na nagtataglay ng maraming benipisyo sa kalusugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply