Sorry ng Canadian actor bahala si Biazon

IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon ang pag-demand ng paghingi ng paumanhin o pag-sorry ng Canadian actor na si Taylor Kitsch matapos magpahayag ng hindi maganda sa Pilipinas sa isang television interview.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na sa kabila ng wala namang record si Kitsch na nasa Pilipinas ay inilagay nito sa matinding kahihiyan ang kredibilidad ang Bureau of Customs nang kapanayamin siya sa “Late Show with David Letterman.”

Sa personal website ni Commissioner Biazon ay tinuligsa nito ang sinabi ni Kitsch na kanyang naranasan sa isang opisyal ng BoC sa Philippine airport.

At nang alamin niya kung totoo nga ang sinabi ni Kitsch ay lumutang na wala naman ito sa Pilipinas.

“In the meantime, Mr. Kitsch, perhaps you can help us redeem our lost pride. Not just my agency, but my country as well,” ayon kay Biazon.

Magkagayon man ay agad na pinaimbestigahan ni Biazon  ang bagay na ito lalo pa’t nalagay na sa masamang impresyon ang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply