Sorry ng prosec kay Corona ibinasura ng Kamara

MISMONG si Chief Justice Renato Corona ang sumira sa kanyang imahe at wala nang iba.

Ito ang tahasang sinabi ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte.

“Sinira niya his own image,” giit ni Belmonte.

Kasabay nito ay nanawagan si Belmonte na huwag munang isingit ang usapin ng impeachment sa nalalapit na pagtitika ng publiko.

Tutol din ang speaker maging si House Majority Floorleader Neptali Gonzales III na humingi ng paumanhin ang prosekusyon kay Corona sa diumano’y paglalabas ng 45 properties nito gayung hindi napatunayan ng Land Registration Authority (LRA).

Naunang iginiit ng kampo ni Corona na dapat humingi ng paumanhin ang prosecution panel dahil sa diumano’y maling akusasyon kaugnay sa kanyang ari-arian.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, ang paghingi ng paumanhin  ang pinakamaliit na bagay na magagawa ng prosekusyon para makabawi sa paninira sa punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply