Sparmate gulpi kay Mayweather

WALANG awang ginulpi ni undefeated pound-for-pound champion Floyd Mayweather ang kanyang sparmate na si Omar Henry sa isang sparring session sa Mayweather Boxing Club.

Kinumpirma rin ito ni middleweight Ishe Smith mula sa Las Vegas sa pamamagitan ng Twitter na nangyari talaga ito.

Ayon kay Smith, nakausap niya ang ilang boxers mula sa gym ni Mayweather na nagsabing kinawawa umano ng American boxer si Henry.

Isa pang tinawag na “dude” ni Smith ang nagsabi rin umano sa kanya na dismayado ang sparmate ni Mayweather sa nangyari.

Subalit umugong naman ang alingasngas na si Mayweather umano mismo ang bumulong kay Smith sa naturang pangyayari dahil sinasabing 16 taon nang magkakilala ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply