Special election sa CamSur, ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakdang special election sa bayan ng Siruma, Camarines Sur dahil sa problema sa seguridad.

Ayon sa Comelec, nakatakda sanang ganapin ang special election sa isla ng Butawanan sa Marso 10 ngunit ito ay sinuspinde at napagdesisyunan ng ilang local officials maging ng kanilang ahensya sa en banc session na ilipat na lamang ito sa ibang araw.

Hindi naman nilinaw ng Comelec kung anong partikular na problema sa suguridad ang dahilan ng pagpapaliban sa election sa lugar.

Gayunman, nangako naman ang Comelec na agad na aaksyunan ang nasabing problema upang agad na makapagpatupad ng panibagong iskedyul.

Kaugnay nito, nadismaya naman ang Comelec-Camarines Sur sa naturang desisyon dahil lahat umano ng gagamitin sa eleksyon ay nakahanda pati na rin ang lahat ng presinto.

Ang special election ay  gagawin matapos magkairingan ang  kampo ng nanalong si Mayor Sandy Ondiz at dating Mayor Nonito Vier kung saan  hindi umano nabilang ang aabot sa mahigit 200 balota noong May 2010 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply