Special session ayaw ng Malakanyang

HINDI magpapatawag ng special session si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para talakayin ang panukalang bigyan siya ng special powers kaugnay sa Mindanao power crisis.

Nauna nang isinulong ng ilang kongresista na mabigyan ng emergency powers ang Pangulo para maresolba ang problema sa nasabing lalawigan.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang nakikitang dahilan para magpatawag ng special session, gayunpaman, bukas pa rin aniya ang Malacañang sa nasabing panukala.

“Some members of Congress have been vocal about granting emergency powers to the President but as they say, the devil is in the details. As such, we cannot comment on the emergency powers since there is no specificity as to the scope and extent of the powers they are proposing,” ani Lacierda.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply