Special session, hindi emergency powers

SPECIAL SESSION upang matalakay ang dagliang solusyon sa krisis ng enerhiya sa Mindanao.

Ito ang panawagan ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon kay Pangulong Aquino upang pansamantalang suspendihin ang batas ukol sa bidding.

Giit pa ni Biazon na sa halip na magbigay ang Kongreso ng emergency powers kay Pangulong Aquino ay dapat aniyang magpasa na lamang ng isang malinaw na hakbang ang Kongreso para masolusyunan ang krisis sa koryente sa Mindanao.

“Instead of granting emergency powers to the president, we have to approve something that is very specific.” Ani Biazon.

Tinukoy ng mambabatas na noong 1992 ay natanong siya ni dating Pangulong Fidel Ramos ukol sa pagresolba sa lumalalang krisis sa enerhiya sa buong bansa.

Upang makakilos agad ang administrasyong Ramos ay minarapat ng Kongreso noon na suspendihin ang mga tukoy na batas gaya ng “laws on bidding para specific economic problem ang tutugunan, the power crisis.”

Sa ngayon ay inuudyukan ni Biazon ang Kongreso na pansamantalang suspendihin ang batas ukol sa bidding upang resolbahin  ang krisis sa enerhiya sa Mindanao na nakaaapekto na sa ekonomiya ng rehiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply