Spurs guard TJ Ford nagretiro na

NAGRETIRO na si San Antonio Spurs guard TJ Ford sa National Basketball Association (NBA).

Mismong si Ford ang nag-anunsyo ng pagreretiro sa kanyang Twitter account.

Ayon sa tweet ni Ford: “It’s official ‘I Retire from the NBA’ as of today.”

Ang pagreretiro ni Ford ay matapos na magtamo ng injury sa laban nila sa New York Knicks.

Inamin din niya na nahirapan siyang desisyunan ang naging hakbang pero ito aniya ang makabubuti para sa kanya.

Si Ford ay eighth overall pick noong 2003 at naglaro sa NBA sa loob ng walong taon.

Maliban sa Spurs, naglaro rin si Ford sa Milwaukee Bucks, Toronto Raptors at Indiana Pacers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply