Staff ng senador, Neneng atras

NAKAHIHIYA naman ang inaasal ng isa sa mga staff ng mambabatas dahil matapos niyang tiyakin sa isa sa mga reporter na nagkokober sa Senado na aprubado na ang request nito at ginagawa na lang ang ilalagay na mga mensahe ay bigla-bigla na lang itong iniatras.

Bansagan natin siyang si Neneng atras dahil akalain n’yo ba na maging ang reporter ay napahiya sa kanyang sinusulatang dyaryo dahil sa biglang pag-atras ng staff ng mambabatas.

Nauunawaan sana ang maganda at mabigat na dahilan kuno na wala na silang budget subalit nadiskubre ni matang kuwago na mayroon siyang pinagbigyan na parehong request.

Tuloy lumalabas na namimili si Neneng atras kung sino ang kanyang pagbibigyan, mayroon bang diskriminasyon.

Ang malupit nito, ayon sa sumbong kay matang kuwago ng Remate, mismong ang mga boss nito ang nag-apruba at nagtiyak sa mamamahayag na okey na ang kanyang request kaya laking gulat ng mamamahayag kung bakit biglang ikinatwitran sa kanya ang kawalan ng budget.

Halina’t pintahan natin si Neneng atras na tinalo pa ang kanyang mga boss pati tuloy ang kanyang among mambabatas ay napahiya dahil sa kanyang pabago-bagong desisyon.

Kilala ang batang babaeng ito na masipag at kung makikita mo ay aakalain mo na inutusan lang na bumili ng kung ano sa isang tindahan.

Heto pa ang clue para ganap na ninyo siyang makilala: Ang kanyang amo ay nakilala sa kanyang pagiging matapang at pag-aaklas.

Kung media relations officer si Neneng atras, bahala na kayong mag-isip pero may letrang E sa kabuuan ng kanyang pangalan.  Itanong n’yo na lang siya sa grupo ng Magdalo at baka pinaghahanap na siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply