Standard sa pagsumite ng SALN inilabas ni Enrile

INILABAS ni Senate President Juan Ponce Enrile ang gold standard kung paano magsumite ng tama ng statement of assets, liabilities and Net work (SALN) ng bawat opisyal at kawani ng pamahalaan.

Ayon sa senador, matutunghayan sa konstitusyon ang standard para sa tamang pagsumite ng SALN ng mga kawani ng gobyerno.

“There’s only one standard for officials: To tell the truth and nothing but the truth in (filing their) SALN” ani Enrile.

Ginawa ni Enrile ang kanyang pahayag sa harap ng hamon ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa prosekusyon at depensa na ang hindi kumpletong entries sa SALN ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay in ‘good faith’ o sinadya.

Matatandaang kinuwestiyon ng prosekusyon ang entries ng SALN ng punong mahistrado dahil mababa sa tunay na halaga ng nabili nitong mga ari-arian, habang ang iba naman ay hindi naideklara.

Samantala, tinapos na ni Enrile ang plano ng depensa na i-subpoena ang SALN ng ilang opisyal ng gobyerno para maikumpara sa SALN ng punong mahistrado.

Layunin sana ng kampo ng depensa na patunayan sa impeachment court na naging practice na ang hindi pagdeklara ng acquisition cost sa bawat ari-arian na kinukwestyon ng prosekusyon.

Giit ni Enrile, wala itong kinalaman sa kaso ni Corona ang SALN ng ibang opisyal ng gobyerno, kaya hindi ito kailangan sa impeachment proceedings.

Gayundin, mistula namang ipinagtanggol ni Enrile ang depensa sa boring na pagprisinta ng kanilang mga testigo at ebidensya.

Ayon sa senador, kung boring sa iba, maaaring mahalaga naman sa panig ng depensa ang kanilang paglalahad ng testigo para ipagtanggol si Corona.

Binigyang-diin pa ni Enrile na hindi na makikialam pa ang impeachment court sa estratehiya ng depensa kung paano nila sagutin ang kaso ng prosekusyon.

Nabatid na tanging ang mga kinatawan mula sa Register of Deeds at Assessors Office maging ang kinatawan mula sa developer ng condo unit na pag-aari ng pamilya Corona ang unang inihaharap ng depensa sa loob ng dalawang linggong paglalahad nito ng ebidensya at testigo sa impeachment trial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply