Standing ovation ulit para kay Jessica Sanchez

STANDING OVATION na naman ang nakuha ng Filipina-American na si Jessica Sanchez mula sa mga manonood at Idol Judges, sa pagpapatuloy ng ng American Idol season 11.

Bukod tanging si Jessica lamang ang binigyan ng standing ovation ng Idol Judges sa pag-awit niya ng “I Will Always Love You” ng namayapang si Whitney Houston.

Personal na pinili ni Jessica ang “I Will Always Love You” na siyang pinakamalaking hit ni Whitney.

Itinuring na “amazing” ni Idol judge Jennifer Lopez ang performance ni Jessica.

Agad na nag-trending sa Twitter si Jessica matapos ang malupit na performance.

Samantala, bukas ng umaga (Biyernes, petsa sa Pilipinas) ay malalaman na kung sino ang matatanggal at mananatili sa pinakasikat na singing contest sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply