Streamers at tarpaulins ipinagbawal ng BFP

IPINAGBABAWAL na ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga pulitiko ang pagsasabit ng kani-kanilang  mga tarpaulin at streamer sa mga kawad ng kuryente saan man sa Metro Manila.

Ito ay dahil inaasahang sa susunod na linggo ay muli na namang dadagsa ang iba’t ibang tarpaulin at streamer ng mga pulitiko na bumabati sa daang libong estudyante na magtatapos sa elementarya, high school at college.

Hiling ng BFP sa mga pulitiko na isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat sa halip na unahin ang pagpapasikat.

Sa mga susunod na araw, papaigtingin pa ng BFP ang kanilang kampanya laban sa mga pagbating isinasabit sa maling lugar na posibleng pagmulan ng sunog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply