Sukdulan kung mangotong sa mga motorista

MASASABING buwaya ang mga ‘Traffic Enforcer’ ng Manila City Hall  sa lakas nilang mangotong dahil halos sagad hanggang buto kung mangikil ang mga ito sa mga motorista.

Kahit walang violation ay hinuhuli saka kinokotongan ng mga ito.

Paging, Manila Mayor Fred Lim. Pakibigwasan lang niyo itong law enforcers  na naka-detail sa Raon Street, Sta. Cruz, Manila.

Grabe raw kung mangotong ang mga ito sa mga motorista.

Basahin ninyo ang text message Mayor Lim  ng isa sa mga nagrereklamo.

Good pm, Sir Johnny. Ireklamo ko lang sa iyo yung Traffic Enforcer ng Manila City Hall.

Ang lakas mangotong ng law enforcer sa Raon St., Sta. Cruz dahil humihingi ng isang daan piso sa akin para raw sa aking areglo sa kanya.

May violation kasi ako nang pumasok ako sa maiksi na one way na tatlong hakbang lang mula sa aking pupuntahan na bilihan ng helmet.

Ang kaso nung pabalik na kami ng misis ko  ay hinarang kami ng enforcer dahil sa nag-one way daw kami pero ang katwiran ko sa kanya ay  maiksi lang  ang pinasok ko.

Sir Johnny, angkas ko po sa motor ang asawa ko nung time na ‘yun. ‘Di ba ayaw ni Mayor Lim ng ganun?

Hindi ko lang nakuha ang name ng enforcer pero pag nakita ko ay makikilala ko siya.

Paki-publish lang, Sir.

MOTEL PINASARA NI MAYOR LIM

Nagpapasalamat ang mga magulang at residente ng C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Manila sa mabilis na pagsasara ng tanggapan ni  Mayor Fred Lim sa Marina Mansion.

Pinahihintulutan kasi ng hotel na ito na makapasok ang sinomang estudyante sa kanilang  establisimyento  kahit na naka-uniporme ang mga ito.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189-274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply