Summer ‘di excuse para magsuot ng malaswang damit sa misa- obispo

NANINDIGAN ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi ‘excuse’ ang summer o mainit na panahon upang magsuot ang mga tao ng mga maiikling shorts at “malalaswang damit” lalo na sa pagdalo nila ng banal na misa sa mga simbahan.

Ang pahayag ni Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon, chairman ng Episcopal Commission on Youth ng CBCP, sa mga mananampalataya ay kasunod nang obserbasyon na maraming tao ang nagsusuot ng mga “revealing clothes” kahit pa pumapasok ang mga ito sa simbahan upang dumalo ng misa.

Ayon sa obispo, kung sa pagharap nga sa mga importanteng tao tulad ng mga government officials ay nais nating gawing presentable ang ating mga sarili, ay higit natin itong dapat gawin sa pagtungo sa simbahan kung saan ay makikiharap tayo sa Panginoon.

Naniniwala si Baylon na dahil sa kababaang-loob ng Panginoon ay mistula na lamang itong binabalewala ng mga tao.

“He is so simple that He comes to us in the form of bread and wine, in very simple things, so it seems we take it for granted that it’s the Lord that we encounter every Sunday,” paliwanag pa ni Baylon.

Kasabay nito, pinayuhan din ni Baylon ang mga mananampalataya, partikular ang mga kabataan na pakaisipin kung gaano kahalaga ang kanilang pakikiharap sa Panginoon bago pa man sila magtungo sa simbahan.

“If the Lord is important to you, be worthy not only by keeping our hearts and minds pure but also dressing appropriately,” ani Baylon.

Ipinaliwanag pa ni Baylon na kung mahalaga ang Panginoon ay dapat na maging karapat-dapat ang bawat isa sa pagharap sa kanya, hindi lamang sa pamamagitan nang pagpapanatili sa ating puso at isipan na puro at malinis, kundi maging sa pananamit nang maayos.

“I think the Lord deserves more than simply shorts and sneakers,” pagtatapos ni Baylon.

Kaugnay nito, may ilang taon na ang nakakaraan nang magpalabas ng dress code ang simbahan na dapat sundan ng mga mananampalataya sa pagdalo sa misa ngunit marami pa ring tao ang hindi sumusunod dito. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply