Sundalo, 3 rebelde utas sa bakbakan sa Cotobato

PATAY ang isang sundalo habang tatlong miyembro ng New People’s Army sa patuloy na bakbakan sa North Cotabato kaninang umaga.

Sa panig na tropa ng pamahalan namatay si Pfc Jaylord Albania ng 57th Infantry Battalion Philippine Army.

Sa panig naman ng mga rebelde, patay ang isang Kumander Nonoy at dalawa pa nitong kasamahan habang pito pa sa kanilang ang nasugatan.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto, dakong alas-11:00 pa ng tanghali kahapon (Marso 29) nang mag-umpisa ang sagupaan sa Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan, Magpet, North Cotabato sa pagitan ng Alpha Company ng 57th IB at tinatayang 30 rebelde ng Front Committee 53.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin tumitigil ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Mas tumindi naman ang putukan nang dumating ang ibang hukbo ng mga NPA na tumulong sa kanilang mga kasamahan.

Dahil dito, agad naglunsad ng air to ground assault ang militar laban sa mga rebelde at gumamit na ng dalawang Huey helicopter mula sa Philippine Air Force at dalawang 105 mm Howitzers Cannon para bombahin ang posisyon ng mga communist terrorist group.

Kinumpirma naman ng barangay kagawad ng Bagumbayan na si Ernesto Lohon na may mga sibilyan na’ng naiipit sa kaguluhan at may mga bangkay silang nakita na iniwan ng mga miyembro ng NPA.

Kaagad namang kumilos si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talinio Mendoza para matulungan ang maraming sibilyan na nagsilikas mula sa mga apektadong barangay sa bayan ng Magpet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply