Sundalo naaktuhan sa pot session, kulong

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang aktibong sundalo matapos itong mahuli sa aktong nagpa-pot session sa Purok 3, Saray, Iligan City.

Kinilala ang sundalo na si Pfc Ralph Liboon, 24, may asawa at taga-Midyasap, North Cotabato at nakadestino sa 64th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Saguiaran, Lanao del Sur.

Nagsasagawa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng PDEA-10 sa bahay ng target na drug pusher na si Edgar Agencia alyas Ed-Ed, nang maaktuhang nagpa-pot session ang nasabing sundalo.

Nahuli man ang sundalo ay nakatakas naman ang target tunay na PDEA na si Agencia.

Naaresto rin ng PDEA ang mga kasama ni Liboon sa pag-hithit ng shabu na sina Deolito Galon y Bernido at Renie Boy Galon y Bernido, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Inaasikaso na ngayon ng PDEA ang kasong isasampa laban sa mga nadampot.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply