Sundalo patay, siyam sugatan sa atake ng NPA

ISANG sundalo ang agad na namatay habang siyam pa ang nasugatan makaraang tambangan at pasabugan ng landmine ng mga rebelde sa isang barangay sa Northern Samar kaninang umaga.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, agad namatay ang isang miyembro ng 34th Infantry Battalion ng Philippines Army sa pagsabog ng dalawang bomba kanina sa Brgy Nago-ocan, Catubig, Northern Samar.

Ayon kay Lt. Colonel Niceforo Diaz, spokesman ng 8th Infantry Division ng Philippines Army na may ranggong sarhento ang napatay na sundalo.

Siyam naman na sundalo ang sugatan na agad sinundo ng isang helicopter para dalhin sa ospital.

Nabatid na nakipagbakbakan ang militar sa mga hinihinalang miyembro ng NPA nang halos isang oras matapos ang pagsabog.

Samantala, nagkaroon pa ng isang pagsabog sa 6 by 6 truck ng militar sa Brgy Nueva Visayas, Mawab, Compostela Valley.

Wala namang nasaktan sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply