Sundalo utas sa landmines ng ASG

ISANG sundalo ang kompirmadong binawian ng buhay, habang tatlo pang kasamahan nito ang nasugatan matapos makasagupa ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at maputukan ng mga nakatanim na landmines sa lugar.

Nabatid kay Col. Ricardo Viasaya, commander ng 104th Infantry Brigade ng Philippine Army, itinalaga ang ilang tropa sa Special Operations Task Force sa Sumisip matapos makatanggap ng ulat hinggil sa mga armadong lalaking gumagala sa lugar.

Pero pagdating ng mga sundalo sa lugar ay sinalubong sila ng putok agad na ikinamatay ng isang sundalo at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Nabatid na grupo ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng militar sa pangunguna nuna Furuji Indama at Kha-ir Mundus. Remate Online

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply