Sundalong nagsoli ng napulot na pera pinuri

PINURI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa nilang kagawad na nagsoli ng napulot nitong pera sa lansangan kamakailan lamang.

Mismong si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Jessie Dellosa ang naggawad ng pagkilala sa katapatan ng sundalong si Cpl. Fernando Samperoy.

Ayon kay Dellosa, ipinapakita lamang ni Samperoy ang tunay pagkapropesyunalismo ng isang kawal na Pilipino.

Nabatid na nagmo-motor noong Marso 8 si Samperoy sa Kabankalan City sa Negros Occidental nang makita nito sa kalsada ang isang bag na naglalaman ng P50,000 na ipinagkatiwala muna niya sa isang pari, para hanapin ang may-ari nito.

Magugunitang may dalawang sundalo rin ng Philippine Army ang nakarekober ng bag na naglalaman ng mahigit P90,000 sa ilalim ng guho bunsod ng naganap na landslide na dulot naman ng 6.2 earthquake na yumanig sa Negros Occidental kamakailan lamang. Ang naturang pera ay naibalik din sa may-ari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply