Sunog sa Ever Gotesco 40-oras na

UMAABOT na sa 40 oras ang nagaganap na sunog sa Ever Gotesco Grand Central Mall na nagsimula noong Biyernes ng gabi kung saan 16 na ang naitalang sugatan.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nag-aapoy pa rin ang ikalawa, ikatlo at ika-apat na palapag ng naturang mall kahit na pasado alas-11:59 kagabi nang idineklarang fire under control ang sunog.

Ayon kay Senior Fire Officer 4 Alexander Marquez, nangangahulugan lang aniya na hindi na kakalat ang sunog ngunit may apoy pa rin sa loob ng mall at posibleng hindi pa matapos ngayong araw ang pagapula sa sunog.

Pito sa mga sugatan ay mga rumespondeng bumbero na nabigyan agad ng paunang lunas ng Philippine Red Cross Caloocan chapter habang ang siyam pang sugatan ay nagamot ng Bureau of Fire Protection (BFP) Emergency Medical Services.
Hirap ang BFP at iba pang fire volunteers na maapula ang sunog dahil sa makapal na usok at mga sumasabog na bagay sa mall.

Nananatili pa rin sa task force delta ang alarma ng sunog na nagsimula sa isang tindahan ng mga sapatos.

Nilamon din ng apoy ang ready-to-wear (RTW) section, maging ang isang sikat na bookstore sa loob ng mall.

Nauna nang bumagsak ang bubungan ng mall na gawa sa yero at natupok ang cinema 5.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply